NIYANIG ng magnitude 5.5 na lindol ang Occidental Mindoro Lunes ng gabi.
Ayon Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig alas-6:42 ng gabi, 23 kilometro hilaga-silangan ng Lubang. May lalim itong 116 kilometro.
Naitala ang Intensity IV (moderately strong) sa Lubang habang Intensity III (weak) ang tumama sa Quezon City, Makati City at Taguig City sa Metro Manila; Obando, Bulacan; Hermosa, Bataan; Cainta, Rizal; at Cabuyao City, Laguna.
Naramdaman naman ang Intensity II (slightly) sa Puerto Galera, Oriental Mindoro; Cuenca at Talisay sa Batangas; City of Tagaytay at Bacoor sa Cavite, at Intensity I (scarcely perceptible) sa Muntinlupa City sa Metro Manila.
Wala naman umanong inaasahang pagkasira ang idudulot ang nasabing pagyanig ngunit posibleng makaramdam ng aftershock.