HINDI pa natutunton ang pinakbagong variant ng Covid-19 na NB.1.8.1, o “Nimbus,” dito sa Pilipinas, ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa.
Sa isinagawang briefing sa Palasyo ngayong Huwebes, sinabi ni Herbosa na patuloy pa ring nakamonitor ang Epidemiology Bureau sa mga Covid-19 cases na naitatala, lalo ngayon na simula na ang tag-ulan at kung nakapasok na nga sa bansa ang bagong variant.
Naniniwala naman si Herbosa na ang mga taong may bakuna laban sa Covid-19 ay may dagdag na proteksyon laban sa virus kahit sa bagong variant.
Ayon sa mga ulat, ang bagong variant ay nagdudulot ng matinding pananakit ng lalamunan at inilarawang ” “razor blade throat” sa mga tinamaan nito.
Una na ring napaulat ang pagkalat ng nasabing variant sa eastern Mediterranean, Southeast Asia, at western Pacific region.