PAGBABAWALAN nang lumabas ng bahay ang mga menor de edad sa buong bansa mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sakaling maging batas ang House Bill 1016 na inihain ni Rep. Bernadette Herrera-Dy sa Kamara.
Ani Dy, mahalaga ang curfew para sa proteksyon at kaligtasan ng mga bata.
“The bill seeks to mandate and strictly implement a set of hours during night time within which minors are prohibited from remaining outside of the home not only as a means of maintaining public order and safety and preventing the further rise in criminality but also in order to protect minors from potential threat that may arise in the remote environment which may be harmful or detrimental to their development,” aniya.
Papayagan namang lumabas ang bata sa panukalang “National Curfew Act” kung kasama ang magulang o kapag may emergency.
Hindi rin sila parurusahan kung pauwi na sila ng bahay o galing sa party, graduation ceremony, religious activities, o iba pang
school o government-sanctioned events.
Sa unang paglabag, mahaharap ang magulang o guardian ng bata sa multang P2,000 at 48 oras na community service habang padadaluhin naman sa regular counselling session ng barangay ang magulang at ang bata sa ikalawang paglabag, at sa ikatlong paglabag, “pag-aaralan” ng Department of Social Welfare and Development kung ano ang dapat gawin sa bata.
“Habitual violators may be turned over to the DSWD for counseling and be subject to the intervention program,” ani Dy