Nancy Binay goodbye na sa Senado; hello na sa Makati City

NAGSUMITE na ng kanyang certificate of candidacy Martes ng umaga bilang alkalde ng Makati City si Senador Nancy Binay na nasa huling termino na niya sa Senado.

Nag-file and senadora sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Makati City.

Una nang sinabi ni Binay na nagdadalawang-isip siyang tumakbo sa pagka-alkalde matapos sabihin ng kanyang kapatid na si incumbent Mayor Abby Binay na ang mister niya na si Makati Rep. Luis Campos ang nais niyang pumalit sa pwestong kanyang iiwan.

Gayunman, nanaig anya ang hiling sa kanya ng mga kababayan sa Makati.

“Syempre ang consideration ko is parang at the end of the day, hindi ko puwedeng pabayaan yung mga kababayan ko sa Makati. Kailangan ang mag-aalaga sa kanila ay kayang ibigay ang pag-aalagang ibinigay ng mga Binay,” ayon kay Binay.