SINABI ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa na wala pang pinal na desisyon kaugnay ng panukalang tanggalin ang Mother Tongue bilang medium of instruction sa mga paaralan.
“Hindi pa final iyan, wala pang nadesisyunan ang ating Vice President/Secretary of Education dahil ongoing pa iyong consultation ngayon sa ating mga stakeholders,” sabi ni Poa.
Nauna nang binatikos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang hakbang ng DepEd.
“Ongoing ang ating consultation sa mga experts at sa ating mga stakeholders across the country in line doon sa ating K-10 review na isinasagawa. So, kung matatanggal man talaga or hindi matatanggal, hindi pa po ako makapagbigay ng definite na sagot pending po iyong ating ongoing consultation,” ayon pa kay Poa.
Ayon kay Poa, ginagamit ang Mother Tongue bilang medium of instruction hanggang Grade 3.