PAYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga bibiyahe patungong probinsiya para sa nalalapit na Undas na bumiyahe nang maaga para hindi makadagdag sa haba ng pila sa mga bus terminal.
Ayon kay MMDA Director for Traffic Enforcement Group Victor Nuñez, makaiiging magtungo sa mga bus terminal, airport at port tatlong oras bago ang nakatakda nilang biyahe dahil sa inaasahang pagdagsa ng tao habang papalapit ang Undas.
“Paalala natin sa publiko, make sure that you will have enough time for leaving kung kayo ay pupunta sa mga pantalan, bus terminals and airports,” ani Nuñez sa isang press forum sa Quezon City nitong Sabado.
“Kasi ho talaga, sa dami ng mga umuuwi ngayon, we would expect na talagang tutukod ang traffic, lalung-lalo na doon sa malapit sa airports and bus terminals. So, at least give three to four hours para siguradong makakarating ho kayo sa oras ng biyahe niyo.”