INUGA ng 6.4 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Dahil dito, ginising ng malakas-lakas na pag-uga ang ilang bahagi ng Metro Manila. Naitala ang Intensity III sa Quezon City, Taguig City, Mandaluyong City , habang ang Intensity II naman ay naramdaman sa Talisay, Batangas.
Ang lindol ay naganap alas 5:05 ng umaga, habang ang epicenter nito ay nasa Manila Trenct at 14.05°N, 119.12°E – 110 km N 79° W ng Lubang.
May lalim itong 29 kilometro at tectonic ang origin.