KINONDENA ng ilang mag-aaral ng De La Salle University-Dasmariñas ang singer na si Michael Pangilinan dahil sa umano’y pambabastos nito sa isang estudyante sa ginanap na concert sa paaralan kamakailan.
Ayon sa isa sa mga nagrereklamo, pinaakyat ni Michael ang estudyante sa stage bago niya kantahin ang “I’ll Make Love To You.”
“Ang sh*t ng intro ni Michael Pangilinan sa concert dito sa dlsud! So before siya kumanta, nagpaakyat muna siya ng audience. He asked if she’s single and all ‘para makagawa tayo ng baby’. Hindi ko lang navideohan. If nandito ka rin tonight, & may video ka, feel free 2 comment!” hirit ng netizen.
“Imagine hearing those, women’s month pa man din!!! Sana kapag ganito, ibagay sa audience ang intro!!! Students yung audience, Kel di ka na nahiya??? And no, I won’t tolerate all that!!!” dagdag nito.
Maliban dito ay tinanong din ni Michael kung pwedeng halikan ang estudyante at ang number nito.
“There’s a lot of ways to have an opening speech before singing a song and Michael Pangilinan literally chose to disrespect women. Happy Women’s Month, I guess???” pahayag pa ng netizen.
“Sana next time kung magpeperform ka Michael Pangilinan kumanta kana lang at di kung ano ano sinasabi mo! DLSU-D has a safe space act, which means all of us are protected from any kind of kabastusan!” segunda ng isa pang mag-aaral.
“AT sa school ka nagpeperform hindi sa kung anong music fest. Yung joke mo or whatever shit you spouted on that stage tonight was DISGUSTING,” dagdag nito.
Bukas ang PUBLIKO sa panig ni Michael.