3 sugatan sa sunog sa Maynila; 66 pamilya apektado

MAY 66 pamilya ang apektado ng sunog na sumiklab Linggo ng gabi sa Barangay 767 sa San Andres Bukid, Maynila.

Tatlo katao rin ang naiulat na nasugatan sa sunog na nagsimula alas-11 ng gabi sa isang residential area na gawa sa mga light materials.

Tumagal ang sunog ng mahigit isa’t kalahating oras, na ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ay dulot umano ng naiwang tangke ng gas na nakabukas.