WALANG pananagutan ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay sa pagkakasunog sa 19 sasakyan na nakaparada sa parking extension ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Lunes.
Paliwanag ni MIAA General Manager Eric Jose Ines, ang parking area ay inuupahan ng isang private concessionaire.
“MIAA has no liability on the incident,” ani Ines.
Ang tanging magagawa ng ahensya ay tulungan ang mga may-ari ng sasakyan na kausapin ang Philippine Skylanders International (PSI), ang kumpanya na umuupa sa parking area.
Samantala, sumulat na ang PSI sa MIAA at sinabing makikipagtulungan ito sa imbestigasyon sa pinagmulan ng apoy.
“PSI shall shoulder all damages incurred by the owners of the vehicles involved. This, however, shall not serve as an admission of fault or negligence on the part of PSI,” dagdag ng concessionaire.
Matatandaan na nagsimula ang sunog ala-1:35 ng hapon habang nakabilad sa initan ang mga sasakyan.
Dahil sa lakas ng hangin ay mabilis na kumalat ang apoy.
Grassfire ang nakitang sanhi ng sunog.