SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang Pinoy sa Russia ang nagpahayag ng pagnanais na umuwi sa Pilipinas sa kabila ng nangyayaring kaguluhan sa naturang bansa.
Idinagdag ni DFA Assistant Secretary Paul Raymund Cortes na tinatayang 10,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa Russia kasama ang 8,000 na nasa Moscow at 2,000 St. Petersburg.
“Medyo malayo-layo pa ito kung saan nanggaling iyong Rostov-on-Don kung saan nandoon iyong mutiny na sinimulan ng Wagner group. Mga 11 na mga kababayan natin ang nandoon…wala pa sa mga kababayan natin sa Russia ang humihingi ng repatriation,” ayon kay Cortes.
Idinagdag ni Corres na may contingency plans na ang embahada sakaling kailangang magpauwi ng mga Pinoy.
“Handa tayo both financially, logistically and of course mentally,” sabi Cortes.