INAPRUBAHAN ng REGIONAL Tripartite Wages and Productivity Board ang P33 umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.
Mula sa dating P537, magiging P570 na ang minimum wage para sa non-agricultural sector.
Samantala, aprubado rin sa Western Visayas ang dagdag umento na P55 para sa mga non-agricultural workers. Mula sa dating P395 minimum wage, magiging P450 na ito, base sa Wager Order 26.