NANAWAGAN ang National Water Resources Board (NWRB) sa mga residente sa mga malalaking village at subdivision at mga condo na magtipid sa paggamit ng tubig upang hindi maantala ang suplay ng tubig sa gitna ng pananalasa ng El Niño phenomenon.
Dahil dito, nanawagan ang NWRB sa mga property managers na magsagawa ng water management bulletin na siyang magre-require sa kanilang mga residente na magtipid sa tubig.
Ilan sa mga dapat ipatupad sa mga residente ay ang pagdidilig ng kanilang halaman at paglilinis ng kanilang mga garahe kung kinakailangan lamang.
“As we enjoin residents and occupants to conserve water to tide us over the El Niño season, the NWRB likewise encourages them to regularly check their water meters to detect leaks,” ayon sa OIC-Executive Director na si Ricky Arzadon.
Hinikayat din ng ahensya na i-postpone ang anumang swimming pool maintenance work na nangangailangan ng pagpapalit ng tubig.
Kailangan din gumamit ng timba at tabo sa paglilinis ng sasakyan, driveway at lawn.