PATULOY na uulanin ang Metro Manila at maraming lugar sa Luzon dulot ng southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Magiging maganda naman ang lagay ng panahon sa Gitna at Silangang Visayas at buong Mndanao.
Ayon sa Pagasa, patuloy na makararanas ng malakas na pag-ulan ang Metro Manila, Cavite, Batangas, Nueva Ecija Huwebes. Nag-isyu ito ng yellow warning alas-5:30 ng madaling araw.
Dahil sa malakas na pag-ulan, pinaalalahanan ng weather bureau na posibleng magkaroon ng mga pagbaha at landslides.
Sinabi rin nito na may namamataang low pressure area 1,035 kilometro silangang dulo ng Northern Luzon, bagamat hindi ito inaasahang mag-develop para maging isang bagyo.