INUGA ng magnitude 5.0 na lindol ang Batangas kaninang alas-08:24 ng umaga kung saan naramdaman ang pag-uga sa Metro Manila.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang sentro ng lindol limang kilometro katimugan ng Calaca, Batangas.
Tectonic ang sanhi ng lindol na may lalim na 14 kilometro, ayon sa Phivolcs.
Naramdaman ang Intensity 5 sa Lemery, Batangas habang Intensity 4 naman sa Ibajay, Aklan; Cuenca, Bauan, Sta. Teresita, San Luis, Batangas; Tagaytay City; at Muntinlupa City.
Intensity 3 naman sa Culasi, Antique; Laurel, Batangas City, Batangas; Tagaytay City; Dolores, Quezon; Donsol, Sorsogon at Intensity 2 sa Talisay, Rosario, Batangas; Magallanes, Cavite; Boac, Marinduque; Las Pinas; Pasay; Rosario, Northern Samar; Puerto Galera, Oriental Mindoro; Mauban, Polillo, Gumaca, Quezon; Taytay, Antipolo, Rizal.
Naitala naman ang Intensity 1 sa Dinalupihan, Bataan; Malvar, Batangas; Malolos City, Guiguinto, Bulacan; Ternate, Cavite; Cebu City, Cebu; Candon, Ilocos Sur; San Pablo, Laguna; Tubod, Lanao del Norte; Malabon City; Pateros; San Juan City; Paranaque City; Abra De Ilog, Mamburao, Occidental Mindoro; Bani, Pangasinan; Lucban, Lucena City, Alabat, Quezon; Tanay, Rizal; at Tupi, South Cotabato.
Sinabi ng Phivolcs na inaasahan ang mga pinsala at aftershocks bunsod ng lindol.