NIYANIG ng magnitude 4.7 na lindol ang Metro Manila at mga karatig lalawigan kaninang alas-12:21 ng tanghali, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang lindol, na may lalim na 24 kilometro, 13 kilometro hilaga ng Masinloc, Zambales.
Nairekord ang Intensity 4 sa Alaminos City, at Binalonan, Pangasinan; San Fernando City, Pampanga; Intensity 3 sa Mandaluyong City, Quezon City; Taguig City; Infanta, Aguilar, at Villasis, Pangasinan. Intensity 2 naman sa Makati City; Baguio City; Bacnotan, La Union; Bolinao, Calasiao, at Santa Barbara, Pangasinan; Dagupan City; Bocaue, Bulacan; at Bamban, Tarlac.
Samantala, naramdaman ang Intensity 1 sa Malabon City; Manila City; Marikina City; Navotas City; Pasay City; Pateros; at Santa Maria, Bulacan. Sinabi pa ng Phivolcs na inaasahan ang mga pinsala, bagamat hindi naman inaasahan ang aftershock.