MULING nagbigay ng palugit ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga household na hindi pa kayang magbayad ng kanilang bills.
Ayon sa Meralco hindi muna sila magpuputol ng koneksyon sa mga kabahayan sa Metro Manila at mga probinsiyang pasok sa sinasabing NCR plus, na hindi pa nakakabayad ng kanilang bayarin.
Tatagal ang palugit hanggang Abril 30 habang ang NCR at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal ay nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
“Given the ongoing pandemic situation and the latest quarantine measures, and always conscious of the challenges our customers are facing amid these trying times, we will continue to put on hold all disconnection activities until 30 April,” pahayag ni Ferdinand O. Geluz, Meralco FVP at Chief Commercial Officer.
“We hope this extension will help lessen the burden of our customers and provide enough relief and time for them to settle their bills,” dagdag pa ni Geluz.
Una nang nag-abiso ang Meralco na hindi ito mamumutol ng koneksyon sa mga hindi nakakabayad ng kanilang bills hanggang Abril 15 matapos mag-anunsyo noong bago magkatapusan ng Marso ang gobyerno na isailalim ang NCR plus sa ECQ hanngang Abril 4. Pinalawig ng pamahalaan ang ECQ hanggang ika-11 ng buwan.