MAGTATAAS ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.
Asahan na ang pagtaas ng bill sa kuryente ng 50 sentimo kada kilowatt-hour, o mula sa P10.8991 nitong Agosto ay magiging P11.3997 ang magiging singil kada kwh ngayong Setyembre.
Dahil dito, asahan na ang pagtaas ng P100 sa total electricity bill ng residential customers na kumukunsumo ng 200 ng kwh, P150 sa 300 kwh, P200 sa 400 kwh at P250 naman sa kumukunsumo ng 500 kwh.
Ayon kay Meralco Vice President Joe Zaldarriaga, ang main driver ng pagtaas ng singil ay bunsod ng pag-angat ng generation cost, na umakyat ng 43 sentimo kada kwh.
Isa ring itinuturong dahilan ay ang pagbaba ng piso kontra dolyar dahil “a big portion of the power producers is dollar-denominated,” dagdag pa ni Zaldarriaga.