Megan: Buntis? Busog lang

ITINANGGI ni Megan Young na nagdadalang-tao siya sa unang baby nila ng asawang si Mikael Diaz. Chika niya, busog lang siya sa mga kumakalat niya na beach pics.


Nagsimula ang haka-haka na buntis si Megan nang i-post ni Mikael sa social media ang video ng kanilang Boracay vacation.


Sa clip ay mapapanood si Mikael na iniespreyan ng sunscreen ang kanyang misis.


Binulabog naman ng netizens ang comment section na tinatanong kung buntis si Megan.


Dinedma ng aktres ang mga komento sa post ni Mikael pero napag-alaman na naibahagi na rin pala niya ang nasabing video sa kanyang Instagram account kung saan nakatanggap din siya ng parehong tanong.


“Preggy ka na, Meg,” sey ng isang follower.


“Busog lang,” sagot niya.


Unang ikinasal sina Megan at Mikael noong January 10, 2020 sa Batangas at sinundan ng isa pa makaraan ang 16 na araw sa Subic.