Maynilad may babala: Putol agad sa di makabayad ng bill simula Okt. 1

INIHAYAG ng Maynilad Water Service Inc. na magsisimula na itong mamutol ng koneksyon ng suplay ng tubig kahit weekend at holiday sa mga kostumer na hindi nakakabayad bago ang due date.

Sa pahayag ng Maynilad, sisimulan nila ang pagdiskonek sa mga di nakakabayad ng bill ngayong Oktubre 1, 2023.

“Maginhawang araw! Simula October 1, kahit weekends at holidays ay magpuputol na ang Maynilad ng water service para sa mga may utang. Iwasang maputulan ng serbisyo – ugaliing magbayad ng bill bago ang due date. Pwedeng magbayad ng bill gamit ang Maya, GCash, banks, o payment centers na malapit sa inyo. Maraming salamat po,” sabi ng Maynilad sa text blast nito.

Siniserbisyuhan ng Maynilad ang west zone ng Metro Manila at karatig na mga lugar.