MAGSISIMULA sa Agosto 2 ang pagpapatupad ng mas mataas na pasahe sa LRT Lines 1 at 2, ayon sa Department of Transportation (DOTr) said Monday.
Mula sa kasalukuyang P11, aakyat sa P13.29 ang minimum boarding fee at dagdag na P1.21 sa kada kilometrong biyahe.
“We at the Department of Transportation (DOTr) believe that this fare adjustment will contribute to maintaining affordable mass transportation services for the two commuter-train lines,” pahayag ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino sa kalatas ngayong Lunes.
Pinayagan ni Pangulong Marcos ang nauna nang panukala ng departamento na magtaas ng singil, dahil umano sa gumagandang takbo ng ekonomiya.
“Lumalaki at sumisigla ang ating ekonomiya. Kaya’t mukhang tama ang ating ginagawa. Ipagpatuloy natin ang ginagawa natin para naman makita natin na bumalik tayo sa magandang sitwasyon ulit,” ani Marcos.