NANAWAGAN si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa lahat ng Pinoy na makiisa sa Earth Hour ngayong Sabado ng gabi mula alas-8:30 hanggang alas-9:30, bilang pagsuporta sa ginagawang laban ng mundo kontra climate change.
Idinagdag ni Marcos na makikiisa rin ang Malacañang sa Earth Hour sa pamamagitan ng pagpatay ng mga hindi kinakailangang ilaw.
“As the earth’s temperature gets warmer, with the world’s carbon footprint reaching a new all-time high of 36.8 gigaton in 2022, the world braces for the irreversible impact of climate change,” sabi ni Marcos.
“It only takes 60 minutes to do good for our future, 60 minutes to take notice and commit to saving Mother Nature to be united and take action because together nothing is impossible,” dagdag ni Marcos.