Yassi sa relasyong Issa-James Reid: Sabay-sabay po tayong nagulat

INAMIN ng aktres na si Yassi Pressman na maging siya man ay nagulat nang malaman na may relasyon ang nakababatang kapatid nito na si Issa sa aktor na si James Reid.

“Nagulat din po ako. Sabay-sabay po tayo,” sey ni Yassi sa press conference ng kanyang bagong teleserve na “Kurdapya”.

Pero, anya, hinayaan na lang niya ito dahil nasa tamang edad na ang kanyang kapatid at wala naman anyang ibang tao na tinatapakan.

“Pero nung sinabi po sa ‘kin ‘yun recently, hinayaan ko na lang po nag mag-decision ‘yung mga tao. They’re old enough to make their own decision naman po. Lahat po ng tao may choice. At kung walang ibang tao naming tinatapakan, feeling ko wala naman pong problema,” dagdag pa ni Yassi.

Matatandaang naging maingay na usapin ang relasyon ni Issa at James matapos ang post ni Issa na magka-holding hands ang dalawa. Gayunman, burado na ang nasabing post.

Magkakaibigan ang ex ni James na si Nadine Lustre, Issa at Yassi. Nasa ilalim din ng management ng Careless Music si Issa na pinamumunuan ni James. Hanggang ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang dalawa ukol sa kanilang relationship status.