SINABI Pangulong Bongbong Marcos na pinag-aaralan pa ang kahilingan ng Amerika na tanggapin ng Pilipinas ang mga Afghan refugees.
“That is the proposal of the United States. We continue to study it. Let’s see if there’s a way we can do it without endangering security of the Philippines,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na posible ring kapwa hindi makahanap ng paraan ang US at Pilipinas kung paano ito maipatutupad.
“We’ll see if we can actually manage it and make sure that if things start to go not as planned, ano ‘yung mga puwede nating gawin,” dagdag ni Marcos.