NAGPAHATID ng pakikiramay si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpanaw ni Pope Emeritus Benedict XVI.
“We are in deep sorrow upon learning of the passing of Pope Emeritus Benedict XVI (today). The Philippines is one in offering our prayers for the eternal repose of his soul. We keep his loved ones in our prayers,” sabi ni Marcos.
Pumanaw si Benedict sa Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican nitong Sabado sa edad 95.
Matatandaang nanawagan pa si Pope Francis ng dasal para kay Benedict.
Nagbitiw si Benedict bilang papa noong 2013 kung saan pumalit sa kanya si Pope Francis.