IKINATUWA ni Pangulong Bongbong Marcos ang desisyon ng European Commission na palawigin ang sertipikasyon ng mga Pinoy seafarers para makapagpatuloy ng kanilang trabaho.
“Labis kong ikinagaalak na nabigyan ng extension ng European Commission ang ating mga seafarers sa kanilang certification upang patuloy silang makapagtrabaho,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na 50,000 seafarers ang nakatakdang mawalan ng trabaho kung hindi inaprubahan ng EU ang extension ng kanilang sertipikasyon.
“Ang naturang problema ay 15 taon nang kinakaharap ng ating mga seafarers kaya ito agad ang ating tinututukan noong tayo’y pjumunta sa Brussels noong Disyembre upang makipagkita sa president ng EU na si Ursula von der Leyen,” dagdag ni Marcos.
Tiniyak ni Marcos na patuloy na ginagawa ng pamahalan ang lahat para masolusyunan ang mga isyung kinakaharap ng maritime industry.