IBINALIK ni Pangulong Bongbong Marcos bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines si Gen. Andres Centino.
Pinalitan ni Centino si Lt. Gen. Bartolome Bacarro ilang buwan matapos siyang italaga ni Marcos.
Matatandaang nanilbihan si Centino bilang Chief of Staff ng AFP mula Nobyembre 12, 2021 hanggang Agosto 8, 2022.
Hinirang ni Marcos si Bacarro bilang Chief of Staff noong Agosto 2022.