DUMATING na sa Indonesia si Pangulong Bongbong Marcos Martes para dumalo sa 42nd ASEAN Summit and Related Summits.
Sinabi ni Marcos na lalahok din siya sa mga pagkilos para mapalakas ang Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines-East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA) sub region.
Ngayong Miyerkules, nakatakdang dumalo si Marcos sa pagbubukas ng plenary session ng ASEAN Leaders’ Interface with Representatives of ASEAN-Interparliamentary Assembly (AIPA), at ASEAN Leaders’ Interface with Representatives of ASEAN Youth.
Nakatakdang bumalik si Marcos sa bansa sa Huwebes.
Bago nito nanggaling si Marcos sa Amerika para sa official visit bago siya tumuloy para saksikan ang koronasyon ni King Charles III sa London noong Mayo 6.