Marcos, Duterte approval, trust rating bumaba

BUMABA pa ang approval at trust rating ni Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte, ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

Sa ginawang survey mula Nob. 26 to Dis. 3 MANILA, lalo pang bumaba pareho ang trust at approval rating nina Marcos at Duterte.

Sa survey, mula sa 50 percent na approval rating ni Marcos nitong September, bumaba ito sa 48 percent, habang ang kanyang trust rating ay 50 percent mula sa 47.

Malaki naman ang inilagapak ng appravol rating ni Duterte na bumaba sa 50 percent ngayong buwan mula sa 60 percent na naitala noong September. Ang kanyang trust rating naman na dating 61 percent ay bumaba sa 49 percent.

Ginawa ang survey sa may 2,400 respondents.