SINABI ni Pangulong Marcos na isang performance report para sa mga Pinoy ang kanyang magiging State of the Nation Address (SONA) sa Lunes.
“It’s really very simple. It’s just a performance report for Filipinos to see – sa dami ng mga pronouncements, sa dami ng mga salita, kung ito ba ay talagang may kabuluhan o salita lamang,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na tatalakayin niya ang mga program na kanyang ipinangako sa kanyang nakaraang unang SONA para maipakita kung ano ang kanyang nagawa na.
“That’s what I want to explain to the people — that we have made significant progress. We can see the difference now not only in terms of how the system works, how the government works. It is also in how we are now seen or judged in the international community. That’s equally important,” aniya.