Marc Pringis binalikan pagtitinda ng margarine sa palengke

INALALA ng basketball player na si Marc Pingris ang pagtitinda niya sa palengke ng Pozorrubio, Pangasinan noong kanyang kabataan.

“Alam nyo ba mga kabsat na na-experience ko din magtinda ng margarine sa palengke nung 12 years old ako. Dito ako nagsimula at proud ako sa lahat,” ani Marc sa Facebook post.

May puwesto ng prutas ang ina ni Marc na si Erlinda sa palengke kung saan sila madalas matulog.

“Walang imposible. Maabot natin ang mga pangarap natin basta magsumikap lang tayo at magdasal mga kabsat. Laban lang!” dagdag niya.