INANUNSYO ng pamahalaang lungsod ng Cebu na hindi na maaaring mangaroling sa siyudad kung walang permit.
Ani Lucelle Mercado, chairperson ng Anti-Mendicancy Board, kailangang kumuha ng permit ang mga caroler sa Business Process Licensing Office.
Paliwanag ni Mercado, base ito sa Anti-Mendicancy Ordinance ng lungsod na layong mapanatili ang kaayusan sa mga public spaces sa lungsod.
Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay papatawan ng P1,000 multa o community service sa first offense; P1,500 para sa second offense; at P2,000 para sa third time offenders.
Sinabi naman ni Mayor Raymond Alvin Garcia na libre ang pagkuha ng permit para mangaroling.