SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang batas sa Senado na nagsusulong sa pagtatayo ng Maharlika Investment Fund.
“This fund will serve as a new growth catalyst, accelerating the execution of strategic and impactful large-scale infrastructure projects that will stimulate economic activity and foster development,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na kailangan ng agarang pagkakaroon ng investment fund sa harap ng pagbaba ng paglago ng ekonomiya.
Ayon pa kay Marcos, layunin ng Senate Bill No. 2020 na magkaroon ng bagong pagkukunan ng pagkakakitaan ang bansa sa harap ng patuloy na epekto ng krudp bunsod na rin ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang pagtaas ng interest hike.