PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) bill matapos ang isinagawang marathon plenary debate.
Natapos ang deliberasyon sa MIF bill kaninag alas-2:30 ng umaga.
Nauna nang ipinasa ng Kamara ang panukalang batas. Nakatakdang sumalang sa bilateral conference committee ang panukala ngayong umaga at inaasahang iraratipika ng Kongreso ngayong hapon.
Nauna nang sinertipikahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang MIF bill.
“The economic team commends Senate President Migz Zubiri and Senator Mark Villar for their thorough deliberation and prioritization of the proposed Maharlika Investment Fund Act. The Senate leadership has pulled out all the stops to ensure that the bill we bring to the President reflects the administration’s objective of creating a profitable and secure investment fund,” sabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno.