Survey: ‘Life is better 12 months ago’

SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na 29 porsiyento ng mga Pinoy ang naniniwalang mas maganda ang kanilang buhay noong nakalipas na 12 buwan kumpara sa kasalukuyan.

Sa isinagawang survey ng SWS mula Marso 26 hanggang Marso 29, lumalabas na 25 porsiyento ang nagsabi na lumala pa ang sitwasyon ng kanilang buhay at 46 porsiyento naman ang nagsabi na walang pagbabago.

Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondent.