DAPAT samantalahin ng mga Pilipino ang digital finance sa pagbibigay ng mga regalo ngayong holiday season, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kasabay ang paghikayat nito sa publiko na gumamit ng “digital aguinaldo” ngayong taon.
“We encourage our countrymen to take advantage of the ease and safety provided by digital finance in sending their cash gifts during the holidays,” ayon sa BSP.
Ang mga Pilipino na nagnanais na magbigay ng pera bilang mga regalo o donasyon ay maaaring magpadala sa pamamagitan ng mga digital na channel dahil malawakang nagagamit na ito sa buong bansa, sabi ng BSP sa isang pahayag.
Kasama sa mga digital transfer ang InstaPay at PESONet, sa pamamagitan ng e-wallet, gayundin ang mga QR code, sinabi ng BSP.
“The giving of e-aguinaldo supports the BSP’s broader thrust to foster the wider adoption of digital payments, which promotes financial inclusion and the efficient flow of funds in the economy,” ayon sa BSP.