NiYANIG ng magnitude 6.0 na lindol ang Masbate alas-2:10 Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sinabi ng Phivolcs, na naitala ang lindo, na may lalim na 10 kilometro, 11 kilometro katimugan ng Batuan, Masbate.
Naramdaman ang Intensity 7 sa Masbate City, Masbate; Intensity 5 sa Dimasalang, San Fernando, at Uson, Masbate; Intensity 4 sa Legaspi City, Albay; Aroroy, Cataingan, Esperanza, Milagros, at Pio V. Corpuz, Masbate; Irosin, at Sorsogon City, Sorsogon; at Intensity 3 sa Daraga, Albay Naitala naman ang Instrumental Intensity VI sa Masbate City, Masbate; Instrumental Intensity 4 sa Bulusan, at Sorsogon City, Sorsogon; Bogo City, Cebu; Instrumental Intensity I3 sa Legazpi City at Tabaco City, Albay; Iriga City, Camarines Sur; Bago City, Negros Occidental; Alangalang, Calubian, Isabel, Kananga, at Palo, Leyte; Ormoc City; Rosario, Northern Samar.
Instrumental Intensity 2 naman ang naitala sa Gumaca, Quezon; Daet, Camarines Norte; Ragay, Camarines Sur; Prieto Diaz, Sorsogon; Malinao, Aklan; Jamindan, at Tapaz, Capiz; Argao, Cebu; Can-Avid, Eastern Samar; Abuyog, at Dulag, Leyte; San Roque, Northern Samar;
Instrumental Intensity 1 sa Lopez, Mulanay, at Polillo, Quezon; Boac, Marinduque; Pandan, Antique; City of La Carlota, Negros Occidental; at Saint Bernard, Southern Leyte. Idinagdag ng Phivolcs na inaasahan ang pinsala at mga aftershock dahil sa nangyaring malakas na lindo. Nagsuspinde naman ng klase at pasok sa trabaho ang Masbate matapos ang naramdamang Intensity 7 sa lalawigan para magsagawa ng inspeksyon sa mga gusali.