SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na 47 porsiyento ng mga Pinoy ang naniniwalang delikado ang maglathala ng artikulo na kontra sa administrasyon.
Idinagdag ng SWS na base sa isinagawang survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, lumabas na 27 porsiyento ang undecided sa isyu at 26 porsiyento naman ang hindi sang-ayon.
Inilabas ng SWS ang resulta ng survey matapos ang paggunita ng World Press Freedom Day.
Tinanong ang mga respondent ng, “Is it dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth?” Sa 47 porsiyentong sumagot na nagsabi na sila ay naniniwalang mapanganib nga, 19 porsiyento ang strongly agree, 28 porsiyento ang somewhat agree.
Isinagawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents.