Ex ni Moira may bagong hugot

Nagbabakasyon ngayon sa US si Jason Marvin, ang estranged husband ng singer na si Moira, at hindi nito napigilang mag-emote sa gitna ng mga tanawin.

Una niyang hugot: “Gaano pa ba kalayo ang tatakbuhin para maka move on sayo?”

“Gaano ba ko dapat kataas para maabot kita?”

Hindi naman pinalagpas ng mga fans ni Moira ang paandar ni Jason.

“Gamit na gamit pa din yung asawa.”

“Yuck. How low can you get. Yung totoo.”

“Yung sasaktan mo yung tao tas maggaganyan ka sa socmed about moving on.. okay ka lang boy?”

“Jusko. Huhugot pa baduy.”