PINAALALAHANAN ni Vice President Leni Robredo ang kanyang mga kaibigan at tagasuporta na sundin ang health protocol para sa social distancing sa lugaw feeding program na inihanda ng mga ito para sa kanyang ika-56 birthday ngayong araw.
Nagpasalamat naman siya sa mga ito sa pamimigay ng lugaw dahil makatutulong ito sa mga nangangailangan ngayong may pandemya.
“I have been reading posts about friends and supporters doing a Lugaw Feeding Program. It’s the best thing to do on your special day–by being a blessing to other people. This pandemic has truly brought kindness and compassion among us. I am truly appreciative,” ani Robredo sa post niya sa Facebook.
“Just want to remind everyone to take extra precaution because we are still in the middle of the pandemic. Please make sure that there will be no gathering of big groups and always, always ensure physical distancing,” sabi niya.
Nakiusap din siya na huwag nang ilagay ang pangalan at mukha niya sa lugaw blowout dahil “baka mawalan ng gana ang kumakain”.
Ginagamit ng mga kritiko ni Robredo ang lugaw bilang pangungutya sa kanya.