TINIYAK ng Land Transportation Office (LTO) na tuloy na pagpapalabas ng mga driver’s license card at plaka simula ngayong Hulyo.
Sa press briefing sa Malacanang, nangako si LTO chief Atty. Vigor Mendoza kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sapat na ang supply ng mga license card at plates para sa taong ito.
“Dahil nga dito by July 1 of this year, dapat wala na pong backlog. On track po tayo diyan,” ani Mendoza.
Nauna nang inanunsyo ng LTO na magsisimula silang mag-release ng mga plastic card driver’s license sa Abril 15.
Noong nakaraang Oktubre, sinabi ng LTO na gumagawa ang ahensiya ng isang milyong plaka kada buwan sa gitna ng backlog nitong 80,000 plaka noong panahong iyon.
Batay sa pagtatantya ng LTO, humigit-kumulang 2,000 kada araw ang demand para sa mga plaka ng sasakyan.