SINABI ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jay Art Tugade na magpapatupad ng heightened alert ang tanggapan simula sa Marso 31 sa harap nang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya para sa Semana Santa.
Idinagdag ni Tugade na tatagal ang heightened alert hanggang Abril 10, 2023. Aniya, magsasagawa rin ng random drug testing sa mga driver at konduktor ng mga PUV.
“Wala kaming hangad sa LTO kundi ang masigurong mairaraos nang maayos at ligtas ang Holy Week at bakasyon ng ating mga kababayan. Hinihingi rin namin ang pakikiisa ng publiko sa pag-iingat at pagsunod sa mga batas-trapiko para sa biyaheng ayos ngayong taon,” sabi ni Tugade.