LTO: Expired driver’s license pwede pang gamitin hanggang Abril 2024

PWEDE pa ring gamitin ang mga expired na driver’s license hanggang Abril 2, 2024.

Iniutos ng Land Transportation Office (LTO) ang “automatic” extension ng validity ng expired na lisensiya bunsod na nga na hindi makapag-isyu ng plastic ID card ang tanggapan.

Sa memorandum na inilabas ng LTO, ang mga valid na lisensiya ay yung mga nag-expire simula nitong Abril 3, 2023.

Tatanggapin ang mga lisensiya ito hanggang Abril 2, 2024 o “until it obtains an adequate supply of plastic cards, whichever comes first,” pahayag ni LTO chief Vigor Mendoza II.

Paliwanag pa ni Mendoza na hindi na kailangan magtungo sa LTO para magparenew ng kanilang lisensiya dahil automatic na extended ang validity nito.

“Old or expired licenses will remain valid until replaced by a new plastic card,” dagdag pa niya.

Read more: https://newsinfo.inquirer.net/1829026/lto-extends-validity-of-expired-drivers-licenses#ixzz8Cli4GUx7
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook