INIHAYAG ni Light Rail Transportation Authority (LRTA) Administrator Atty. Hernando Cabrera na walang operasyon ang LRT-2 mula Abril 6, Huwebes Santo hanggang Abril 9, Easter Sunday bilang bahagi ng taunang maintenance.
“Taun-taon, nagsasagawa tayo ng tinatawag natin na Holy Week maintenance, kasi ito lang iyong pagkakataon natin na magkaroon tayo o magsagawa ng tinatawag natin na heavy maintenance activity sa linya,” sabi ni Cabrera sa Laging Handa briefing.
Idinagdag ni Cabrera na sa Abril 5, Holy Wednesday, hanggang alas-7 ng gabi lang ang biyahe ng LRT-2.
“So last train natin coming from Recto as well as iyong last train coming from Antipolo, hanggang alas-siyete lang ng gabi iyan. So ipinapaalam natin sa ating mga mananakay, sa ating mga pasahero na alas-siyete ay magtatapos iyong operasyon ng LRT 2 sa darating na April 5, which is Wednesday,” dagdag ni Cabrera.