LRT1 gustong magtaas ng pasahe mula P7 hanggang P12.50

PLANONG magtaas ng pamasahe ang operator at maintenance provider ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1).

Hirit ng ahensiya na magtaas ng P7.48 hanggang P8.65 para sa short-distance at P6.02 na dagdag singil sa mid-distance at P12.50 sa long-distance.

Ayon kay Light Rail Manila Corporation (LRMC) Communications head Jackie Gorospe ang petisyon ay bahagi ng periodic fare adjustment process ng LRT1 na tumatakbo mula sa FPJ Station sa Quezon City hanggang Baclaran sa Paranque City.

Magsasagawa ng public hearing ang ahensiya, ayon kay Gorospe, na gagawin sa LRTA Administration Building sa Pasay City sa Huwebes, alas-9 ng umaga.

Matatandaan na huling nagtaas ng pasahe ang LRT1 at LRT 2 noong Agosto 2023, na may minimum fare na P14 at maximum fare na P35 para sa stored value cards at P15 hanggang P35 para sa single journey ticket.