LPA sa labas ng PAR minomonitor

SINABI ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na minomonitor nito ang isang low pressure area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Mindanao na posibleng maging bagyo sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

Idinagdag ni PAGASA weather specialist Adlczar Aurelio na patuloy naman ang paglayo ng Severe Tropical Storm Dodong na nasa labas na ng PAR.

Nakatakdang pangalanan ang tropical cyclone ng Egay sakaling pumasok sa PAR at maging bagyo.