GUILTY sa indirect contempt si Lorraine Badoy, dating spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), dahil sa pag-red-tag sa isang hukom ng Manila Regional Trial Court.
Ibinaba ang ruling ng Supreme Court na isinulat ni Associate Justice Marvic Leonen, na nag-uutos din kay Badoy na magbayad ng fine na P30,000.
Binalaan din ng Korte Suprema si Badoy na huwag nang gagawin muli ang tahasang pag-red-tag kung hindi ay mapapatawan pa ito nang mas mabigat na kaparusahan.
Matatandaan na binakbakan nang husto ni Badoy si Manila RTC Judge Marlo Magdoza-Malagar sa social media noong September 2022 matapos ibasura nang huli ang proscription case ng gobyerno para ideklara ang Communist Party of the Philippines at ang armed wing nito na New People’s Army bilang terrorist organization.
Tinawag pang “idiot judge” ni Badoy si Magdoza-Malagar na nag-aabogado umano sa mga komunista.