TINUPOK ng apoy ang barong-barong ng 75-anyos na lalaki sa Damulog, Bukidnon nitong Martes ng madaling araw, ilang oras makaraan niya itong iwanan para matakasan ang solar eclipse.
Abo na lang nang balikan kinabukasan ni Alfredo Dalinyag ang kanyang bahay sa Purok 6, Brgy. Lagasan sa bayan ng Sampagar.
Pinaniniwalaan na ang hindi napatay na kalan sa kusina ang pinagmulan ng sunog, ayon sa mga otoridad.
Sa isang panayam, sinabi ni Dalinyag na umalis siya ng bahay Lunes ng gabi at nakitulog sa mga kamag-anak dahil natakot siya na maabutan ng eclipse nang mag-isa lamang.
Pero bago lumisan, tiniyak niya na napatay niya ang apoy sa kalan na de-kahoy.
Nagulat na lang siya nang umuwi at makita na abo na lamang ang kanyang bahay.
Nanawagan naman ng tulong mula sa publiko ang matanda na sa kasalukuyan ay nakikitira sa mga kaanak.
Aniya, kasamang natupok ang kanyang kakarampot na naipon.