Live selfie sa SIM registration inihirit ni Poe

DAPAT gawing requirement ang “live selfie” sa pagpaparehistro ng SIM

Ito ang inihirit kamakailan ni Senador Grace Poe sa mga telecommunication companies matapos ang ginawang pag-sample ng National Bureau of Investigation na matagumpay na nakapagparehistro na ang gamit na larawan ay isang unggoy.

“Kahit nandyan na ang SIM Registration law, hindi nawala ang scammers. Kaya pakiusap ko na isama na ang live selfie sa requirement ng registration,” Pahayag ni Poe, chairperson ng Senate committee on public services sa pagdinig kamakailan.

“We have seen that fake government IDs can get through the telcos’ system. The selfies will be an added line of defense in the SIM verification process,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa senador, kailangan maisama ang live selfie sa implementing rules and regulations ng SIM Registration Act.Sinabi naman ng National Telecommunications Commission (NTC) na kailangan mai-update nito ang IRR kasabay ang pag-amyenda ng batas.

Nagbabala rin ito sa mga pasaway sa mga scammer na patuloy na nag-ooperate gamit ang mga huwad na detalye sa pagpaparehistro ng SIM.