INANUNSYO ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Hernando Cabrera na tuloy na ang libreng sakay para sa mga estudyanten sa Light Rail Transit-2 (LRT-2) simula sa Agosto 22, araw ng pagbubukas ng klase.
“Based on the direction ni President Marcos ay magbibigay tayo ng libreng sakay para sa ating mga estudyante beginning August 22 hanggang November 5,” sabi ni Cabrera sa Laging Handa briefing.
Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbibigay ng libreng sakay sa Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at Philippine National Railways (PNR).
“So, iyon iyong most immediate natin na tinututukan ngayon na proyekto natin para mabigyan naman ng ayuda sa ating estudyante dahil nga mag-uumpisa na ulit itong face-to-face classes natin,” ayon pa kay Cabrera.
Ang LRT2 ay may biyahe mula Recto sa Maynila hanggang Anitpolo sa Rizal at vice versa.